Teia Salvino, pangungunahan ang Team Philippines sa 9th World Aquatics Junior Championships sa Israel

Teia Salvino, pangungunahan ang Team Philippines sa 9th World Aquatics Junior Championships sa Israel

PANGUNGUNAHAN ni Southeast Asian Games Games gold medalist Teia Salvino, ang Team Philippines sa 9th World Aquatics Junior Championships sa Netanya, Israel.

Ito’y matapos ma-qualified si Salvino sa 50m at 100m backstroke; 5-m, 100m at 200m freestyle, at 100m butterfly.

Bukod kay Salvino, inanunsyo rin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) ang iba pang qualifiers na sina Jasmine Mojdeh, Heather White, Gian Santos, at Filiping-German Alexander Eichler.

Gaganapin ang nasabing event sa darating na September 4 hanggang 9, 2023 na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa.

Matatandaan na kamakailan lang nang naiuwi ni Teia Salvino ang gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap sa Phoem Pehn, Cambodia.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble