NAGING katawa-tawa ang mga inilabas na pahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa programa ng Laban Kasama ang Bayan matapos magbigay ng reaksyon si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ukol sa naturang statement ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Senador “Bato”, hindi na dapat kinakausap ang CPP-NPA-NDF dahil mayroon di umanong sariling mundo ang mga ito at hopeless na kung maituturing ng senador ang naturang partido.
Dagdag pa ni Bato, na lumalabas na ang CPP na umano ang naloloko ng taumbayan sa kanilang sariling mga propaganda.
Isa lamang si Senador Bato sa kakaunting bilang ng miyembro ng Senado na mariing kumokondena sa mga gawa ng CPP-NPA-NDF, at isa rin sa pilit na ipinaglalaban ang natapyasang budget ng NTF-ELCAC para sa Barangay Development Program na isa sa naging susi sa pagpapabagsak ng Guerilla Fronts ng CPP-NPA-NDF sa bansa.