Temperatura sa NCR, maaaring bumaba sa 18-24 degree Celsius ngayong Enero at Pebrero

INAASAHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bababa ng 18-24 degree Celsius ang temperatura sa National Capital Region (NCR) ngayong buwan ng Enero at Pebrero.

Base sa datos na ibinahagi ng PAGASA, ipinakita nito na ang low temperature window sa Metro Manila ay mas magiging maliit sa buwan ng Pebrero na bababa sa pagitan ng 18-23 degrees.

Ang pinakamalamig na bahagi ng bansa sa panahong ito ay ang mga kabundukan sa Luzon na kinabibilangan ng Baguio City, at ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region na makararanas ng 9-12 degree Celsius na temperatura ngayong Enero at 10-12 degrees naman sa Pebrero.

Ayon kay Weather Specialist Benison Estareja, ang malamig na panahong nararanasan ngayon ay magpapatuloy pa rin dahil sa northeast monsoon o hanging amihan.

SMNI NEWS