Temporaryong pagsasara ng Mt. Apo Natural Park, palalawigin pa

Temporaryong pagsasara ng Mt. Apo Natural Park, palalawigin pa

PALALAWIGIN pa ng isang buwan ang temporaryong pagsasara ng Mt. Apo Natural Park.

Orihinal na nagsimula ang pagpapasara noong Marso 20 hanggang 30, 2024 subalit dahil nga palalawigin ay magtatapos na ito sa Abril 30.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR-Davao), ang pagsasara ay bunsod sa nararanasang El Niño.

Mas mainam anila na unahin ang kaligtasan ng mga bisita maging ang ecosystem ng Mt. Apo dahil dito ayon sa MANP-Protected Management Board Executive Committee Resolution No. 1 series of 2024.

Para sa lahat ng trekkers na nakapag-book na sa mga araw na nakasara ang Mt. Apo ay maaaring makipag-coordinate sa organizers upang mai-reschedule ang kanilang trekking activities.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble