Tennis legend na si Navratilova, na-diagnose ng breast at throat cancer

Tennis legend na si Navratilova, na-diagnose ng breast at throat cancer

SINABI ni tennis legend na si Martina Navratilova na umaasa ito na maganda ang kalalabasan ng gamutan nito matapos itong ma-diagnose ng breast at throat cancer.

Sinabi ng 66-year-old na Czechoslovakian-born naturalize American ang tungkol sa diagnosis ng kanyang sakit ngunit sinabi nito na pareho naman itong maaaring magamot pa.

Matatandaan na hindi ito ang unang beses na na-diagnose ng cancer ang 18-times grandslam singles champion dahil sa nagkaroon na rin ito ng breast cancer noong 2010.

Napansin ni Navratilova ang pamamaga ng kanyang lymph node sa kanyang leeg sa kalagitnaan ng WTA Finals sa Fort Worth Texas noong Nobyembre.

Nakita sa kanyang bipsy na mayroon itong Stage 1 throat cancer at sa kalagitnaan ng iba pang test ay nakitaan din ito nang pamamaga sa kanyang breast na kalaunang na-diagnose ng unrelated cancer.

Sisimulan na ni Navratilova ang kanyang treatment ngayong buwan sa New York. Tennis legend

Follow SMNI NEWS in Twitter