Tennis legend Rafael Nadal, nahirapan sa kanyang recovery mula sa natamong rib injury

Tennis legend Rafael Nadal, nahirapan sa kanyang recovery mula sa natamong rib injury

IBINAHAGI ni tennis legend Rafael Nadal na naging mahirap ang kanyang karanasan tungo sa recovery nito mula sa kanyang rib injury.

Aniya, nalilimitahan ang kanyang galaw nang siya ay nagti-training para sa nasabing Madrid Tennis Open dahil nga sa kanyang sakit.

Kinukumbinsi niya na lang ang kanyang sarili na kakayanin niya pa rin ang maglaro muli.

Sa kabila nito, sa naganap na Madrid Tennis Open kamakailan ay naipanalo niya ang kanyang laro laban kay Miomir Kecmanovic ng Serbia.

Umaasa naman si Nadal na magiging maganda rin ang kanyang takbo sa nakatakdang French Open ngayong buwan.

Nakuha ni Nadal ang kanyang injury noong Marso sa Indian Wells.