PINAPLANO ng Serbian tennis player na si Novak Djokovic na maglalaro pa sa susunod na mga taon.
Sasabak din aniya siya sa maraming tournaments ngayong taong 2025 at nais na maungusan ang mga nangunguna sa ngayon sa tennis sports gaya ng Italian na si Jannik Sinner at ang Spanish na si Carlos Alcaraz.
Kasali naman ngayon ang Serbian tennis player sa Brisbane International 2025 sa Australia na nagsimula na noong Disyembre 29, 2024 at magtatapos sa Enero 5, 2025.
Sa kasalukuyan ay nasa No. 7 na lang sa world rankings si Djokovic at dahilan dito ang pangit na laro niya noong nakaraang taon.