HINIHIKAYAT ni Lapeña ang mga TESDA graduates na maghanap ng trabaho sa World Café Opportunities (WCO) na ma access online sa August 25.
Ang WCO ay inilunsad noong 2018, isa itong one-stop-shop para sa mga naghahanap ng trabaho sa buong bansa.
Sa pinirmahang Memorandum of Agreement ng ibang government agency at mga pribadong kompanya, ito ay upang umasiste sa mga Technical And Vocational Education (TVET) graduates na makahanap ng trabaho.
“As we celebrate our 27th Anniversary and the National Tech-Voc Day, we have found a way to reach our kababayans, especially those who are staying at their homes to avoid the threat of COVID-19. I would like to invite our TESDA graduates who are trying to find new opportunities to visit the website, 27.tesda.gov.ph, starting on Wednesday,” ani Lapeña.
Ayon sa TESDA, may mga institusyon na magpapahiram ng pera pang puhunan sa mga gustong magsimula ng negosyo, at isang paanyaya sa mga lalahok sa WCO ngayong taon.
Papayagan naman ang face-to-face activity sa bawat TESDA offices o ibang event area ng WCO, kung saan kailangan lamang panatilihin lamang ang minimun health protocol.