Tesla, nag-aalok ng discounts para sa kanilang electric vehicle buyers sa Singapore

Tesla, nag-aalok ng discounts para sa kanilang electric vehicle buyers sa Singapore

NAG-aalok na ng limited-term discounts ang carmaker na Tesla para sa kanilang potensyal na electric vehicle buyers sa Singapore.

Ang bibili ng Model 3 at Model Y ang saklaw ng inaalok na discounts.

Aabot hanggang 10, 000 US dollars ang magiging discount para sa mga buyer batay sa nakasaad ng limited-term discounts ng Tesla.

Ang Model 3 rear-wheel drive ay may price tag na 114,785 Singaporean dollars habang ang all-wheel drive nito ay nagkakahalaga ng 164,528 Singaporean dollars.

Para sa Model Y rear-wheel drive ay may price tag ito na 142,601 Singaporean dollars at ang all-wheel drive naman nito ay nagkakahalaga ng 164,528 Singaporean dollars.

Subalit hindi kasama dito ang certificate of entitlement ng mga sasakyan. electric vehicle buyers

Ang limited-term discounts sa Singapore ay inaalok ilang araw matapos nagbawas ng presyo ang Tesla sa kanilang electric vehicles sa China, South Korea, Japan at Australia.

Follow SMNI NEWS in Twitter