Testigo na nagsiwalat na ibinaon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero, idinawit ang 10 iba pa

Testigo na nagsiwalat na ibinaon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero, idinawit ang 10 iba pa

KILALA na at nakausap na mismo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lumantad na testigo kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa kaniyang salaysay, sa mismong Taal Lake umano ibinaon ang mga biktima at para sa kaniya, imposibleng may buhay pa sa kanila.

Ayon kay Remulla, nakausap na niya ang testigo bago pa ang halalan noong Mayo 12, at may binanggit itong mahigit 10 katao na umano’y sangkot sa krimen.

Ang testigo, si alyas Totoy, ay isa sa mga akusado sa pagdukot sa mga sabungero.

“May kilala siyang personality na nabanggit doon sa mga pangalan? Marami e. ‘Yong mga pumapatay, mga dumudukot. Basta marami siyang binanggit.”

“Ang sinasabi niya mahigit isang daan ang biktima,” wika ni Sec. Jesus Crispin Remulla, Department of Justice.

Makikipag-ugnayan umano ang DOJ sa mga kaukulang ahensiya para sa posibilidad ng paggamit ng technical divers sa Taal Lake upang maghanap ng human remains.

“Kasi mabiga na diving to. Fresh water ito e. Hindi ito basta-basta. Technical divers talaga ang kailangan natin,” aniya.

Posible namang maging state witness ang testigo kahit pa isa siya sa mga akusado.

Ayon sa testigo, lumantad siya dahil sa banta sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Sabi naman ng DOJ, ang mga inilantad ni alyas Totoy ay maaari pa ring ituring na kapani-paniwala lalo’t hanggang ngayon ay wala pa ring matibay na lead o anumang bakas kung nasaan ang mga nawawalang sabungero.

Apat na taon na rin silang hindi natatagpuan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble