Testing laboratory sa Sta.Ana Hospital bubuksan na ngayong araw

Testing laboratory sa Sta.Ana Hospital bubuksan na ngayong araw

PORMAL nang bubuksan ngayong araw  ang COVID-19  testing laboratory sa Sta.Ana Hospital.

 

Ang testing laboratory ay pasisinayaan at pangungunahan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso para sa ribbon cutting ceremony ngayong alas 9:00 ng umaga

 

Ayon kay City Health Officer Dr. Arnold Pangan, ang Manila LGU ay may kakayahan  nang  magproseso ng hangang 350 swab test per day

 

Ang Sta.Ana ay may 200 capable habang 150 naman sa pamamagitan ng pakikipagpartnership nito sa  ibang ibang hospital.

 

Aabutin ng 2,450 kada linggo kung palalakihin ang kapasidad para sa proseso ng swab test .

 

Kahapon ay labis na ikinatuwa ng Manila City Government ang pag-isyu ng Department of Health ng license to operate para sa sariling COVID -19 testing laboratory ng Lungsod ng Maynila.

 

Para  kay Dr. Grace Padilla ang director ng Sta. Ana Hospital, mahirap talaga makakuha ng license to operate ng COVID-19 testing laboratories dahil very technical at very specific ang RITM.

 

Ayon kay Mayor Isko, ang nasabing testing laboratory ay bahagi pa rin sa mass testing operation ng lokal ng pamahalaan ng Maynila para patuloy na  labanan ang COVID -19 outbreak ng siyudad.

 

Una na ring nakumpleto ng Manila City Government ang mahigit 500 bed capacity mula sa labing dalawang quarantine facility sa lungsod.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.