NAGPAALALA ang Department of Information and Communication Technology (DICT) sa publiko na mag-ingat sa mga natatanggap na text kasunod ng muling pagdami ng mga text scam.
Ayon kay DICT Sec. Ivan Uy, mula sa 1 ay umakyat naman sa 3-4 ang natanggap na text scam ng isang user matapos mapalawig ang SIM card registration.
Matatandaan na simula noong Abril ay pinalawig ng ahensiya ang SIM registration hanggang Hulyo 26, 2023.
Ayon kay Uy, may bagong modus ngayon ang mga scammer kung saan ginagamit ng mga ito ang SIM card registration.
Ang mga scammer ngayon ay nagkukunwaring nagpaparehistro ng SIM card para makakuha ng impormasyon ng isang user.
Ilang mga text scammer, natukoy na ng DICT
Samantala, sinabi naman ni Uy na marami na silang natukoy na mga text scammer.
At pagtitiyak nito na maparurusahan ang mga ito sa kanilang mga panloloko.