MAGLALABAS ng aabot sa P1B ang isang Thai-affiliated na kompanya para magtayo ng coconut processing facility sa Misamis Oriental.
Layunin ng pasilidad ang maiproseso ang mga niyog at maipadala sa ibang bansa bilang export.
Inaasahang magsisimula ang konstruksiyon ng pasilidad sa Oktubre habang ang pagsisimula ng komersiyal na operasyon ay tinatarget sa pagitan ng Disyembre 2025 at Enero 2026.
Ang tinutukoy na kompanya ay ang Philco Food Processing Inc., na may ugnayan sa Thai World Group of Companies.