Thai health officials, planong palitan ng antigen testing ang PCR test requirement

Thai health officials, planong palitan ng antigen testing ang PCR test requirement

NAIS ng Thailand Department of Disease Control na palitan ang PCR test ng antigen testing para sa foreign arrivals.

Ang departamento ng disease control ay magkakaroon ng pagpupulong upang isapinal ang detalye ng proposal bago pa ito ipresenta sa Center for COVID-19 Situation Administration (CCSA) meeting sa Biyernes.

Dahil dito magkakaroon rin ng updated na color coding classification sa mga probinsya base sa kasalukuyang sitwasyon.

Dati nang inaprubahan ng CCSA ang proposal na kanselahin ang requirement ng PCR test result 72 oras bago ang departure sa overseas arrivals.

Pero ang hakbang na ito ay binago mula Abril 1.

Ayon sa mga ulat, inihayag ng head ng disease control na si Opas Kankawinpong na mas mataas ang bilang ng domestic cases kumpara sa imported infections.

Dahil dito ang pagluluwag sa ilang test and go entry measure ay posibleng hindi umano makaapekto sa kabuuang caseload ng Thailand.

BASAHIN: Thailand, tuloy ang planong ideklarang endemic ang COVID-19 sa Hulyo 1

Follow SMNI NEWS in Twitter