HANDA ang Thai Navy na wakasan ang submarine purchase project kasama ang China kung hindi ito magkakasundo sa kondisyon sa pagbili.
Ayon kay Admiral Choengchai Chomchoengpaet, nais ng Thai Navy sa Chinese Navy na siguruhin na gagamitin ang chinese made CHD620 engine builder sa S26t Yuang class submarine na inorder nito mula sa China shipbuilding at offshore international corporation.
Ayon sa kontrata, gagamitin ang German made 396 diesel engine pero hindi nais ng Berline na ibenta ito sa China.
Pag-uusapan naman ng navy ang submarine procurement project kasama ang CSOC sa susunod na buwan.
Tatanungin rin ang kumpanya para sa malinaw na timeframe sa konstruksyon dahil nais ng Navy na maghanda sa budget para sa pagbili nito.
Inihayag naman ng Navy chief na dapat ay maprotektahan ang international relations sa pagbili sa mga submarine na ito.