Thailand, aprubado na ang pagpasok ng mga turistang Bangladesh

Thailand, aprubado na ang pagpasok ng mga turistang Bangladesh

APRUBADO na ng Thailand ang pagpasok sa bansa ng mga turistang Bangladesh.

Simula Nobyembre 1, papayagan nang makapasok ng Thailand ang mga turistang Bangladesh.

Inanunsyo ni Makawadee Sumitmor, bagong Thai Ambassador sa Dhaka ang nasabing desisyon kay State Minister for Foreign Affairs MD Shahriar.

Magpapalabas naman ng notice issue ang nasabing opisina upang maging ligal ang nasabing desisyon.

Patuloy rin ang pakikipag ugnayan ngayon ng Thailand sa Bangladesh para sa mga alituntunin na dapat sundin sa pagpasok sa bansa.

Samantala, sisiguraduhin naman ng pamahalaan ng Thailand na fully vaccinated lamang kontra COVID-19 ang makakapasok sa bansa.

SMNI NEWS