Thailand at Cambodia, nagpaplano na para sa muling pagbubukas

NAGPAPLANO na para sa muling pagbubukas ang bansang Cambodia at Thailand.

Plano ng mga opisyal ng Thai na makipag-usap sa kanilang mga katapat sa Cambodia upang talakayin ang muling pagbubukas ng mga hangganan ng lupain sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang Gobernador ng border province na sa Kaeo ay nagsagawa ng pulong kahapon upang talakayin ang mga plano para sa pagbubukas ng mga entry checkpoint.

Apat na border crossing spot ang nasa plano kasama ang permanenteng crossing point sa ban Khlong Luek – Poipet sa Aranyaprathet District, Ban Khao Din – Ban Kor Mor 12 sa Khlon Haad district, Ban Nong Prue Relief Point Market – Malai sa Aranyaprathet District, at Ban Ta Phraya relief point market – Ban Bueng Kuan sa ta Phraya district.

Ang muling pagbubukas ng hangganan ay nasa proseso pa ng pagpaplano at magkakaroon ng karagdagang talakayan sa pagitan ng Department of Disease and Control ng Thailand at mga opisyal ng Cambodia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.