Thailand at New Zealand, nangakong palalakasin ang economic cooperation sa isa’t isa

Thailand at New Zealand, nangakong palalakasin ang economic cooperation sa isa’t isa

SA unang pagkakataon sa loob ng 11 taon, bumisita si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa Thailand noong Martes at pagka-kinabukasan, ay nakipagpulong siya sa Punong Ministro ng bansa na si Srettha Thavisin.

Sa kanilang pagpupulong, parehong nangako ang dalawang pinuno na lalong palalakasin ang economic cooperation ng dalawang bansa.

Isa din sa kanilang mga tinalakay ay ang tungkol sa kalakalan, edukasyon, pamumuhunan, pagsasaayos ng visa, turismo, transnational crime at cybersecurity ng bansang Thailand at New Zealand.

Ayon kay Srettha, pareho nilang sinang-ayunan ni Luxon na itaas ang relasyon ng Thailand at New Zealand sa isang strategic partnership kung saan ito ay lilikha ng momentum upang higit pang mapalawak at mapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa lahat ng antas.

Ayon naman kay Luxon, dahil sa isang kasunduan para sa malayang kalakalan 20 taon na ang nakakaraan ay naging triple ang kalakalan na pumasok sa New Zealand at Thailand.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter