Thailand, gagayahin ang Seaplane Terminal ng Maldives

Thailand, gagayahin ang Seaplane Terminal ng Maldives

GINAWANG inspirasyon ng Airports of Thailand (AOT) ang Maldives para sa plano nitong kauna-unahang Seaplane Terminal sa Phuket International Airport.

Sinabi ng AOT na ang bagong terminal ay malaking tulong para sa lumalaking demand sa coastal tourism gaya na lang ng Island country na Maldives.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng pag-aaral sa proyekto na layong palakasin ang turismo mula Phuket patungo sa lokal na Andaman Islands at beach sa lugar.

Samantala, ang bidding para sa konstruksyon ng terminal ay isasagawa naman sa susunod na taon.

Ayon kay AOT Chairman Pol General Visanu Prasattongosoth, ito ang kauna-unahang Seaplane Terminal sa Thailand na magpapalago ng coastal tourism.

Ang Phang-Nga province at ang Gulf of Thailand Samui Island ay maganda ring spot para sa Seaplane Terminals dahil sikat ito sa mga turista.

Follow SMNI NEWS on Twitter