INANUNSIYO ng bansang Thailand na hindi na nila hihingan ng COVID-19 test ang mga traveller na mula China.
Ito ay sa gitna ng nararanasang pagtaas ng COVID-19 infections sa China matapos nilang luwagan ang health protocols laban sa virus.
Ayon sa Thailand Health Minister, dapat maging pantay-pantay ang trato sa lahat.
Ang turismo rin aniya ang makatutulong upang muling umusad ang kanilang ekonomiya na sumadsad dahil sa epekto ng COVID-19 sa loob ng halos 3 taon.
Kabilang naman sa nagpapatupad ng COVID-restrictions sa mga travellers mula China ay ang United States, Canada, Japan at France.