Thailand, hindi pa magpapatupad ng agarang lockdown sa kabila ng banta ng Omicron variant

Thailand, hindi pa magpapatupad ng agarang lockdown sa kabila ng banta ng Omicron variant

HINDI agad-agad magpapatupad ng lockdown ang Thailand sa kabila ng banta ng Omicron variant.

Iginiit ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na hindi muling ipapatupad ng Thailand ang agarang lockdown sa kabila ng mga pangamba sa bagong variant ng Coronavirus na Omicron.

Ngunit sinabi niya na ang iskedyul para sa pagpapagaan ng mga hakbang laban sa COVID para sa mga night entertainment venue ay maaaring ipagpaliban ng isa pang buwan sa gitna ng mga alalahanin sa banta ng Omicron variant na ngayon ay nakita na sa hindi bababa sa dalawamput apat na mga bansa sa buong mundo.

Ayon pa kay Prayut ang bansa ay nagsasagawa na ng RT-PCR screening tests, kasama ang quarantine measures habang naghihintay ng mga resulta.

Samantala, inatasan naman ng punong ministro ang mga ahensya ng bawat estado na gumawa ng mga remedyong hakbang para sa night life business na isusumite sa gabinete para sa pag-apruba.

Inihayag naman ng City clerk ng Bangkok na si Khachit Chatchawanit na dahil sa pagkakatuklas ng variant ng Omicron, hiniggpitan ng Thailand ang pagpasok ng mga bisita na nagmumula sa risk-prone countries.

Samantala, ang Bangkok Metropolitan Administration (BMA) ay magtatalaga rin ng mga opisyal upang siyasatin ang mga komunidad kung saan naninirahan ang mga Aprikano at magsagawa ng testing rito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.