INTERESADO ang bansang Thailand na mag-invest sa Pilipinas.
Saklaw sa interes nila ang sektor ng imprastraktura, transportasyon, turismo at food security.
Mismong si Kriengkrai Thiennukul, ang chairman ng Federation of Thai Industries ang nagkumpirma nito sa round table conference sa ginanap na 29th APEC Summit 2022 sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa business leader, ang pakikipag-ugnayan ang siyang magiging daan upang mapalago ang ekonomiya ng Thailand at Pilipinas.
Kaugnay nito, palalakasin din ng Pilipinas at Australia ang kanilang ugnayan hinggil sa sektor ng agrikultura at enerhiya.
Kasunod ito sa pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa APEC Summit.
Ayon kay Albanese, suportado nito ang hangarin ng Pilipinas na matugunan ang problema sa climate change at tiniyak na maasahan ng bansa ang kooperasyon ng Australia sa bagay na ito.