Thailand, mag-iimport ng mga hipon mula India at Ecuador

Thailand, mag-iimport ng mga hipon mula India at Ecuador

TARGET ngayon ng Thailand ang pag-iimport ng tone-toneladang hipon mula sa India at Ecuador.

Aabot sa 10,500 toneladang hipon ang target ng Thailand na iimport sa bansa ngayong taon.

Sa pagpupulong ng 21 miyembro na shrimp farmers at processors kasama ang pamahalaan, nagkaisa ito sa planong pag-import ng mga hipon mula India at Ecuador upang maiwasan ang shortage at tugon na rin sa production nito sa processing plants sa bansa.

Target ng pamahalaan ang domestic production na 320,000 tonnes ng puting hipon ngayong taon habang 400,000 naman sa susunod na taon.

Ayon kay Chalermchai Suwannarak, Head of the Fisheries Department, sa ngayon nasa 138,733 toneladang hipon ang na-produce ng Thailand sa buwan ng Hulyo kasama na rito ang 129,100 tonelada ng pacific white shrimp at 9,632 na tonelada ng black tiger prawns.

Sa ngayon, aabot na sa 42 tonelada ang na import na hipon ng bansa mula nang inaprubahan ang nasabing panukala nitong Hunyo 10.

Follow SMNI NEWS in Twitter