Thailand, magsasagawa ng mga hakbang para mapalago ang turismo sa Chiang Mai

Thailand, magsasagawa ng mga hakbang para mapalago ang turismo sa Chiang Mai

INIHAYAG ni Thai Prime Minister Srettha Thavisin na isusulong niya ang pagkakaroon ng public electric transport vehicles para maisaayos ang isyu ng air pollution sa Chiang Mai.

Ayon sa digital newspaper sa Bangkok, nilinaw ng punong ministro na magtatayo ang gobyerno ng tatlong ring road at electric railway sa lugar para mas maging madali sa mga turista at mga lokal na residente na magbyahe sa Chiang Mai.

Dagdag pa nito, ang probinsya ay isang malaking tourism hub kaya dapat ay maitayo na ang mga electric train sa lalong madaling panahon.

Samantala, papalawigin rin umano ang Chiang Mai international airport ngayong taon.

Ayon pa sa punong ministro, magsasagawa ang gobyerno ng pag-aaral ukol sa pagtatayo ng bago at alternatibong paliparan sa probinsya

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble