MAGTATAYO ng pitong bagong paliparan ang Thailand sa pitong probinsiya nito.
Nagkakahalaga ng 50 million baht ang itatayong bagong airport ng Thailand Department of Airport.
Ilan sa mga probinsiya na pagtatayuan ng mga paliparan ay Mukdahan, Nakhon Pathom, Kalasin, Bueng Khan, Phatthalung at sa Satun Phayao.
Ayon sa ahensiya layunin ng pagtatayo ng mga bagong paliparan ay upang mapabilis at mapalago ang sektor ng transportasyon at maparami ang papasok na mga turista sa bansa.
Paliwanag pa ng ahensiya, masisimulan na sana ang pagtatayo sa mga nasabing bagong paliparan subalit natigil ito dahil sa pandemya.
Samantala, kalahati ng budget sa Department of Airport ng Thailand ay gagamitin para sa pagtatayo ng paliparan sa probinsiya ng Nakhom Patho sa Central Thailand.