Thailand, may bagong entry regulations kasabay ng pagbubukas ng border ng China

Thailand, may bagong entry regulations kasabay ng pagbubukas ng border ng China

MAY bagong entry regulations ang Thailand kasabay ng pagbubukas ng border ng China.

Hihilingin na ng Thailand sa international travelers na nais pumasok sa bansa na magpakita ng katibayan na fully vaccinated na ito sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng aviation regulator ng bansa kasabay ng pagpasok ng mas maraming Chinese tourists dahil sa pagluluwag ng bansa nito.

Ayon sa Civil Aviation Authority simula ngayong araw, lahat ng foreign arrivals ay kailangan ng pruwebang ito at sertipikong nagpapatunay na nakarecover ito sa COVID sa nakalipas na 6 na buwan.

Ang mga hindi nabakunahang manlalakbay ay kinakailangan magpakita ng medical certificate bakit ito hindi nakatanggap ng bakuna.

Ang CAAT ay magchecheck ng mga dokumento bago sumakay ang mga pasahero.

Ang bagong hakbang na ito ay nakatakdang maging epektibo hanggang katapusan ng Enero.

Follow SMNI NEWS in Twitter