Thailand, pinalawig ang visa-free stay sa Russian tourists

Thailand, pinalawig ang visa-free stay sa Russian tourists

PINALAWIG ng gabinete ng Thailand ang visa-free stay ng mga turistang Russian sa bansa.

Mula sa orihinal na 30 araw ay naging 90 araw ito para palakasin ang turismo nito.

Ayon kay Prime Minister Srettha Thavisin, ang winter season sa Russia ay kadalasang nagsisimula tuwing Disyembre at nagtatapos sa buwan ng Marso at tuwing mainit ang panahon, ang mga Russian ay nagnanais na magbiyahe abroad para maiwasan ang extreme cold na tinatawag.

Nananatili rin ito sa ibang mga bansa sa loob ng isang buwan.

At dahil nga posibleng hindi ito sapat kaya pinalawig ng gabinete ang panahong manatili ang mga turista sa nasabing bansa.

Matatandaan na noong nakaraan ay namahagi rin ang Thailand ng visa exemption sa mga turista mula sa China at Kazakhstan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter