MATAPOS ang ilang buwang espekulasyon, inanunsiyo na ng Thailand na magkakaloob ito ng visa-free entry sa Indian citizens mula Nobyembre 10 hanggang Mayo 2024.
Ang Indians ay papayagang manatili sa bansa sa maximum na 30 araw bilang parte ng hakbang na ito.
Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng Sri Lanka na ang Indian travelers ay hindi na kinakailangan pa ng visa para makapasok sa bansa hanggang Marso 31, 2024.
Kasabay ng peak season ng turismo sa Thailand, siniguro ng bansa ang pagkuha ng visa ay hindi magiging hadlang sa mga nais makapunta sa tourist spots roon.
Matatandaan na una nang tinanggal ng Thailand ang visa requirements sa Chinese tourists sa buwan ng Setyembre.
Kasama ng India, papayagan din ng Thailand ang visa-free entry para sa Taiwan nationals.