Thailand, plano na magpabayad ng tourist fee mula sa Hunyo

Thailand, plano na magpabayad ng tourist fee mula sa Hunyo

PLANO ng Thailand na magsimula sa pangongolekta ng 300 baht o 9 na US dollars bilang fee mula sa mga dayuhang turista simula sa buwan ng Hunyo.

Ang turismo ay isang krusyal na sektor sa Thailand at nagco-contribute sa 12% ng Gross Domestic Product ng bansa bago pa ang pandemya.

Ayon kay Tourism Minister Phiphat Ratchakitprakarn, hindi mangongolekta ng fee mula sa mga dayuhan na mayroong work permit at border pass.

Ang proposal na ito ay unang ikinunsidera noong nakaraang taon at ngayon ay ipapa-apruba pa sa Gabinete.

Inaasahan naman na ang tourism spending forecast ay aabot sa higit 2 trilyong baht ngayong taon.

Noong 2019, umabot sa 40 milyong arrivals ang naitala sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter