Thailand, posibleng maningil ng $9 entrance fee sa Abril

Thailand, posibleng maningil ng $9 entrance fee sa Abril

POSIBLENG maningil ng $9 entrance fee ang Thailand mula sa mga turista sa buwan ng Abril.

Sinabi ng tagapagsalita ng gobyerno na si Thanakorn Wangboonkongchana na plano ni Punong Ministro Heneral Prayut Chan-o-Cha na isulong ang turismo ngayong taon sa ilalim ng Tourism and Sports Ministry at ng Tourism Authority ng Thailand na “Amazing Thailand New Chapter” na tutulong sa paglikha ng sustainable at mas ligtas na turismo.

Kilala bilang “Kha Yeap Pan Din” (landing fee), ang entrance fee na makokolekta mula sa mga dayuhang turista ay gagamitin upang bumuo ng mga tourist attraction sa Thailand at magbigay ng insurance para sa mga turista.

Halimbawa, sa mga malalaking aksidente o pagkamatay, ang mga dayuhang turista o kanilang mga pamilya ay makakatanggap ng maximum na halagang 1-M Baht o medical coverage na nagkakahalaga ng 500,000 baht.

Matatandaan na kamakailan ay sinuspinde ng Thailand ang quarantine free travel policy nito matapos tumaas ang kaso ng Omicron Variant sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.