Thailand, sinira ang 24 tonelada ng smuggled pork mula sa Brazil

Thailand, sinira ang 24 tonelada ng smuggled pork mula sa Brazil

IPINAG-UTOS ng pamahalaan ng Thailand ang pagsira sa 24 na toneladang smuggled pork na mula pa sa bansang Brazil.

Pinangunahan ng Livestock Development Department ng Thailand ang pagsira sa mga smuggled pork mula sa Brazil.

Ang mga nasabing smuggled na produkto ay ibinaon sa landfill ng ahensya sa distrito ng Phayuha Khiri sa probinsya ng Nakhon Sawan upang maiwasan ang posibeng pagkalat ng African swine fever (ASF).

Inihayag ng pamahalaan ng Thailand na walang agreement na nangyari sa pagitan ng kanilang bansa sa Brazil.

Dagdag pa ng pamahalaan, may karapatan ang Livestock Development Department na sirain ang mga nasabing produkto dahil sa walang dokumentong ipinakita ukol dito.

Samantala, noong nakaraang buwan ay nakumpiska ng ahensya ng Thailand ang smuggled products mula sa isang cold storage facility sa Samut Prakan.

 

Follow SMNI News on Twitter