Thanksgiving Activity ng OVP sa Zamboanga City

Thanksgiving Activity ng OVP sa Zamboanga City

NAGSAGAWA ang Office of the Vice President (OVP) ng thanksgiving activity sa Zamboanga City noong Nobyembre 2024.

Namahagi ang OVP ng gift packs sa mga kababayan na kabilang sa iba’t ibang sektor ng mga magsasaka, mangingisda, LGBTQIA+, Indigenous People at out of school youths na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng OVP ng ika-89 na anibersaryo noong nakaraang Nobyembre.

Dahil panahon ng Kapaskuhan, nagbigay rin si VP Sara ng mensahe ng pagpapatawad, pagbibigayan, at pagmamahalan lalo na sa ating pamilya.

Muli ay nagpasalamat ang bise presidente sa mga kababayan sa Zamboanga City sa mainit nilang pagtanggap.

Ganun din sa bumubuo ng Universidad de Zamboanga sa tulong at suporta sa mga programa ng OVP.

 

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble