GAGAWIN nang regular program ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang The Deep Probe.
Ito ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang programang Powerline kahapon, Mayo 27.
Ayon kay Pastor Apollo, ito ay dahil sa napakahusay at informative na paraan ng pag-interview sa mga presidential candidate na ginanap sa Okada Hotel.
Dagdag pa ni Pastor Apollo, ang magiging host ng programang The Deep Probe ay ang mga panelist ng SMNI debate na sina Prof. Clarita Carlos, Sass Rogando Sasot, Atty. Rolex Suplico at Mr. Dante Ang ng Manila Times.
Samantala, ang mga kakapanayamin sa nasabing programa ay ang mga opisyal ng gobyerno na maglalahad ng kanilang mga programa at plataporma sa gobyerno.
Kaugnay nito, binati ni Pastor Apollo ang lahat ng mga SMNI staff at workers sa likod ng world class debate.