SUPORTADO ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mass vaccination campaign ng Davao City sa pamumuno ni Mayor Sara Duterte kaya naman boluntaryo na ring nagpabakuna ang mga eligible na miyembro ng kongregasyon kontra COVID-19.
Nakiisa sa nasabing programa ang mga miyembro ng the Kingdom of Jesus Christ para sa vaccination kontra COVID-19.
Matatandaang nitong Martes ng pinasimulan ang vaccination mismo sa loob ng KJC compound.
Matapos itong buksan ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang suporta rin sa adbokasiya at panawagan ng lokal na pamahalaan ng Davao sa mga residente nito na magpabakuna na.
Nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga eligible na mga miyembro ng kongregasyon, partikular na ang mga napapabilang sa A2 o mga Senior Citizens, A3 o mga persons with comorbidities at A4 o mga essential workers.
Nasa mahigit isang libong Sinovac COVID vaccines na rin ang na-administer sa mga ito.
”So far, maayos naman ang ating pag-administer ng vaccine dito sa facility na provide ng ating mahal na Pastor Apollo C. Quiboloy. Naka-administer na tayo ng more than 1,000 kasi pang 3rd day na natin ito ngayon and more are coming. Hinihikayat po namin ang lahat ng mga missionary workers at mga front liners ng Kingdom na magpabakuna na habang meron pang mga available na mga supply,” ayon kay Nelida Lizada, KJC Central Administrator.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa publiko na patuloy na sumunod sa mga COVID-19 protocols at guidelines, at maging sa mga minimum health standards kahit bakunado na ang mga ito.