‘The One’ Tournament ng Jordan Brand isasagawa muli

‘The One’ Tournament ng Jordan Brand isasagawa muli

INANUNSIYO ng Jordan Brand, isang subsidiary ng Nike Inc. na isasagawa nila muli ang ‘The One’ Basketball Tournament.

Isa itong international basketball tournament na naglalayong itampok ang mga batang players na may pambihirang galing sa one-on-one basketball.

Gaganapin ang regional qualifiers sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang finals ay mapapanood nang live sa New York ngayong Agosto.

Para sa mga interesado, magaganap ang Manila Qualifier sa Hunyo 28 sa Jordan Manila Flight Deck sa BGC, Taguig City.

Nasa 12 lalaki at 12 babae mula sa iba’t ibang lungsod at probinsiya ang maglalaban upang maging kinatawan ng Pilipinas sa global basketball title.

Ang huling ‘The One’ Tournament ng Jordan Brand ay ginanap noong Hulyo 26, 2024 sa Paris.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble