‘The Tense’ Concert ni Taeyeon ng Girls’ Generation, tutungo sa Manila

‘The Tense’ Concert ni Taeyeon ng Girls’ Generation, tutungo sa Manila

TUTUNGO na rin sa Manila si Taeyeon ng 2nd Generation K-pop girl group na si Nyu Shi Dae o Girls’ Generation.

Sa anunsiyo ng kaniyang social media nitong Enero 7, 2025, ang Manila Leg ng kaniyang ‘The Tense’ Concert ay mangyayari sa Marso 29 sa SM Mall of Asia Arena.

Ang ticket prices sa ngayon ay hindi pa available at iaanunsiyo pa lang sa susunod na mga araw.

Bilang miyembro ng Girls’ Generation, nag-debut si Taeyeon sa music industry noong taong 2007.

Bilang soloist ay nag-debut si Taeyeon noong 2015.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble