PINURI ni Atty. Trixie Cruz-Angeles ang naging epekto ng INC peace rally dahil sa dami ng mga taong dumalo rito.
Ayon sa kaniya, kahanga-hanga ang ganitong pagkakaisa at dedikasyon na makikita sa ganitong malalaking pagtitipon.
“Ang pinakamalakas na statement diyan ay ‘yung dami ng tao. Itong visual effect na ito ang pinakamalakas. There is nothing you can add to that, na makita mo ‘yung ganyang karaming tao sa isang lugar. This was a show of power, of capability,” pahayag ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.