Third party auditor ng PAGCOR, gustong paimbestigahan sa Senate Blue Ribbon

Third party auditor ng PAGCOR, gustong paimbestigahan sa Senate Blue Ribbon

NAIS paimbestigahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang third party auditor ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ay matapos mabunyag sa joint hearing ng Senate Committee on Ways and Means at Committee on Public Order na incompetent ang nakuhang third party auditor ng PAGCOR noong taong 2017.

Sa pagdinig ay nalaman na walang sapat na kapital ang Global ComRCI at galing sa hindi accredited bank ang bank statement nito na ipinadala sa PAGCOR.

Maliban dito, hindi raw nagbabayad ng tamang buwis ang third party auditor sa BIR at wala itong sapat na technical capability.

Napag-alaman na ang kontrata ng PAGCOR sa third party auditor ay nagkakahalaga ng 6B piso.

Follow SMNI NEWS in Twitter