Third wave ng COVID-19, nararanasan sa ilang bansa sa Europe; bagong restriksyon muling ipinatupad

MABILIS na kumakalat ngayon ang third wave ng COVID-19 pandemic sa mga bansa sa Europe.

Ito’y matapos maitala ang pagtaas ng bilang ng impeksyon at kaso ng nasabing virus.

Naitala ang pinakamataas na infection rate ng COVID-19 sa EU simula noong Pebrero.

Itinurong mga bagong variants ng virus ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso.

(BASAHIN: Bagong COVID variant natagpuan sa United Kingdom)

Kaugnay nito, nakatakda nang magpatupad ng lockdown ang ilang mga bansa sa Europe sa susunod na mga araw.

Ayon sa isang opisyal ng Italy, naitala ang 27,000 na bagong kaso ng COVID-19 habang 380 ang mga nasawi noong Biyernes.

“More than a year after the start of the health emergency, we are unfortunately facing a new wave of infections,” ayon kay Prime Minister Mario Draghi.

“The memory of what happened last spring is vivid, and we will do everything to prevent it from happening again,” dagdag niya.

Ngayong Lunes ay magpapatupad ang Italy ng lock down at pahihintulutan lamang ang mga tao na umalis ng bahay para sa mahalagang gawain habang halos lahat ng mga tindahan kabilang ang mga bar at restaurant ay isasara.

Naranasan din ng France ang matinding sitwasyon sa COVID-19.

“Every 12 minutes night and day, a Parisian is admitted to an intensive care bed,” ibinunyag ni Paris health minister Olivier Veran.

Inamin din ng Germany na nasa third wave ng COVID-19 ang bansa matapos makapagtala ng 12,674 na impeksyon noong Sabado kung saan mataas ng mahigit 3,000 sa nakaraang linggo.

Habang naitala naman sa Poland ang 17,260 bilang ng bagong kaso noong nakaraang Miyerkules, pinakamataas na bilang simula noong Nobyembre 2020.

Naitala rin sa Hungary at ng Czech Republic ang mataas na antas ng impeksyon at pagkasawi mula sa COVID-19 kung saan nagbabala ang mga health official na maaaring lalala pa ang bilang nito sa darating na mga linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.