NAIS ni Thomas Robinson na makapaglaro muli sa PBA.
Aniya, ito’y para mapatunayang hindi siya masamang tao gaya ng naunang impression na ‘hot tempered’ at ‘out-of-control’ siya.
Sinabi ni Robinson na ito ang kaniyang record nang maglaro siya para sa NLEX Road Warriors noong nakaraang season ng Commissioner’s Cup.
Dapat din sana na maglaro ito sa San Miguel Beermen bago ang NLEX ngunit naudlot ang kaniyang stint para sa koponan.
Samantala, si Robinson ay nakapaglaro na para sa Sacramento Kings at marami pang NBA teams bago ito nagtungo bilang import para sa team ng iba’t ibang bansa.