Thompson, suportado ng mga coach at teammates

Thompson, suportado ng mga coach at teammates

NAKAKUHA ng sandamakmak na suporta si Scottie Thompson mula sa kanyang teammates sa Gilas Pilipinas maging sa mga coach matapos nitong hindi mai-convert sa point ang 2 crucial free throws sa pagkatalo nito sa Jordan noong Lunes sa Philippine Arena.

Matatandaan na nagkaroon ng pagkakataon si Thompson na bigyan ng kalamangan ang Gilas sa FIBA World Cup Asian Qualifying Game ngunit hindi nito naipasok ang 2 free throws sa natitirang 30 na lamang ng laro na nagresulta upang manatili sa kalamangan ang Jordan sa iskor na 91-90.

Inamin din ni Thompson na dahil dito ay marami siyang nabigong mga Filipino at napakasakit na oras ito para sa kanya.

Agad naman pinaalala ng kanyang mga coach at teammate ang kanyang halaga sa Gilas Pilipinas.

Dinepensahan din ni Gilas Pilipinas head coach si Thompson na huwag dapat nitong sisihin ang kanyang sarili at nangyayari talaga ang mga ganitong bagay at sa kabila nito ay alam niyang mas magiging magaling na manlalaro si Scottie.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram