Thrower na si Cendy Asusano, nakapag-uwi ng gintong medalya sa ASEAN Para Games sa Indonesia

Thrower na si Cendy Asusano, nakapag-uwi ng gintong medalya sa ASEAN Para Games sa Indonesia

NANALO ng gintong medalya ang thrower na si Cendy Asusano upang dagdagan ang nahakot na medalya ng Pilipinas sa ika-11 na ASEAN Para Games na kasalukuyang idinadaos sa Surakarta, Indonesia.

Si Asusano na na-disqualify noong Martes bunsod ng maluwag na strap sa throwing chair ay nagbalik na mas malakas upang makapagtala ng bagong personal best nito na 5.65 meter sa kanyang ika-apat na pagbato sa shot put event.

Matatandaan na humakot ang mga Pinoy para-athletes noong Martes ng ginto na umabot ng 8.

Base sa talaan ng Philippine Sports Commission at Philippine Paralympic Committee, mayroon ng kabuuang 14 gintong medalya ang mga Pinoy para-athletes, 13 silver, at 29 na bronze.

Follow SMNI NEWS in Twitter