ISINAPUBLIKO na ang ticket prices para sa ‘Des7ined’ fan meeting ng South Korean group na Enhypen sa bansa.
Sa anunsiyo ng isang multinational coffee and doughnut company na iniendorso ng grupo sa Pilipinas, magsisimula ang ticket price sa P1,500 hanggang P7,500.
Magsisimula ang ticket selling alas diyes ng umaga ngayong Nobyembre 22 via ticketnet.
Partikular na gaganapin ang brand-sponsored fan meeting ng Enhypen alas siyete ng gabi sa Araneta Coliseum ngayong Disyembre 6, 2024.
Follow SMNI News on Rumble