Ticketing office ng Philippine Airlines, mahaba parin ang pila para sa mga mag rebook ng flights

Ticketing office ng Philippine Airlines, mahaba parin ang pila para sa mga mag rebook ng flights

MAHABA pa rin ang pila sa ticketing office ng Philippine Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) -Terminal 2 para mag rebook ng kanilang flights patungong sa kani -kanilang probinsya sa Visayas at Mindanao.

Matatandaan, una nang naglabas ng abiso ang PAL hingil sa biglaang pagkansela ng kanilang Domestic at ilang International flights simula January 10 -16 dahil sa kakulangan ng mga tauhan .

Ayon sa PAL, marami sa kanilang mga personnel ang nagkasakit at kasalukuyang naka quarantine dahilan ng kakulangan ng mga tao kaya’t napilitan silang ikansela ang mga naturang flights at ang ticketing office nito  sa Terminal-1 ay pinag-isa na lang sa NAIA Terminal-2.

SMNI NEWS