Tickets para sa Manila leg ng ‘Who I Am’ World Tour ni Nick Carter, available pa

Tickets para sa Manila leg ng ‘Who I Am’ World Tour ni Nick Carter, available pa

PUWEDENG-puwede pa humabol sa pagbili ng ticket ang fans ni Nick Carter ng Backstreet Boys para sa Manila leg ng kaniyang ‘Who I Am’ World Tour!

Available ang mga ticket na nag-uumpisa sa P3,200 hanggang P6,800 via ticketnet online at outlets sa buong bansa.

Disyembre 14, 2024 nang sinimulan ang general ticket selling para sa kaniyang concert ngayong Marso 30, 2025 sa New Frontier Theater, Quezon City.

Bilang solo artist, sikat si Nick Carter para sa kaniyang mga kanta tulad ng ‘I Got You’, ‘My Confession’, ‘Falling Down’, ‘Do I Have to Cry For You’.

Bilang miyembro naman ng Backstreet Boys, sikat ang kanilang American vocal group sa mga kanta tulad ng ‘I Want It That Way’, ‘As Long As You Love Me’, ‘Quit Playing Games’, at ‘Incomplete’.

Si Nick ay kapatid ng namayapang singer na si Aaron Carter noong 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble