PAGIGING mabait ang susi para maging mainam na artist o celebrity.
Ito ang payo ni Tiffany Young, ang member ng itinuturing na Nation’s Girl Group ng South Korea na Girls’ Generation sa lahat na magiging artist o celebrity sa hinaharap lalong-lalo na ang mga kalahok sa bagong Korean Idol Survival Show na “Peak Time” kung saan isa siya sa mga hurado.
Aniya, dapat maikonsidera ng isang tao hindi lang ang kanilang sarili kundi pati na rin ang iba lalo na’t sa entablado, lalabas at lalabas talaga ang tunay na pagkatao ng isang indibidwal kahit pa pilit itong itago.
Importante rin aniya na salik sa pagiging mainam na artist ang pagiging confident sa sarili.