Tigil-pasada ng Manibela walang epekto—LTFRB

Tigil-pasada ng Manibela walang epekto—LTFRB

WALANG epekto ang ginawang tigil-pasada ng Manibela nitong Lunes, Marso 24, 2025.

Sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), napaghandaan ang naturang aktibidad.

Isa na sa halimbawa rito ang alok na libreng sakay ng iba’t ibang local government units at maging ng national government.

Sa panig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naniniwala silang marami pa ring sumusuporta sa PUV modernization program ng pamahalaan at hindi sasali sa mga transport strike.

Samantala, sinabi ng ilang transport groups na pabor sa PUV modernization na magsasagawa rin sila ng pag-aalsa kung ihihinto ng gobyerno ang nabanggit na programa.

Sa kanilang paliwanag, sinikap nilang sundin ang programa at namuhunan na anila sila para dito.

Ipinanawagan na nila sa Department of Transportation (DOTr) na huwag makinig sa hiling ng ibang grupo na walang balak sumunod sa programa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble