Tim Cone, nakuha muli ang “Coach of the Year” sa PBA Press Corps Annual Awards Night

Tim Cone, nakuha muli ang “Coach of the Year” sa PBA Press Corps Annual Awards Night

PINARANGALAN sa PBA Press Corps Annual Awards Night, kahapon ng gabi Nobyembre, 20 ang mga beteranong sina Tim Cone at Jojo Lastimosa.

Nakuha ni Cone ang “Virgilio Dalupan Coach of the Year” at ito na ang pang-apat na pagkakataong nakuha niya ito.

Si Lastimosa ay nasungkit ang “Danny Floro Executive of the Year”.

Makatatanggap naman ang Gilas Pilipinas Team at San Miguel-TNT, sina Jio Jalalon, Roi Sumang, Jericho Cruz, CJ Perez, Jayson Castro, at ang Quintet na sina Justin Arana, Brandon Ganuelas-Rosser, Atoular, Encho Serrano, at Tyler Tio ng parangal mula sa gaganaping Annual Awards Night.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble