NANGUNA ang Tingog Party-list nina Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre sa survey ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).
Nakakuha sila ng 93.5% mula sa survey na nilahukan ng 10,000 respondents sa buong bansa na mayroong error of margin na +/-1%.
Nasa ikalawang puwesto naman ang ACT-CIS na nakakuha ng 89.4% at ang pangatlo ang AGIMAT na may 88.6%.
Ang Tingog party-list ay binuo matapos ang paghagupit ng Super Typhoon Yolanda upang madala sa Kongreso ang mga isyu na kinakaharap ng rehiyon.
Nakasentro ang atensiyon nito sa pagtulong at pagpapalago ng mga lugar na malayo sa kabihasnan.
Nagtayo naman ang grupo ng 70 Alagang Tingog Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mas marami ang mahatiran ng tulong.