Tinguriang Venice ng Pilipinas, kaisa sa ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ drive ng SPM

Tinguriang Venice ng Pilipinas, kaisa sa ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ drive ng SPM

PERSONAL na nagpasalamat ang ilang opisyal ng Brgy. Longos, Malabon City sa Sonshine Philippines Movement (SPM) at kay Pastor Apollo C. Quiboloy matapos na sumailalim ang lugar sa Clean up Drive na pinangungunahan ng butihing Pastor.

Aminado ang lugar na hindi sila ligtas sa hamon ng mga basura.

Masaya na nakiisa ang taga barangay sa inisyatiba na ito ni Pastor Apollo na gawin malinis ang ating kapaligiran tungo sa mas malinis at maayos na mamamayan.

Tinaguriang “Venice ng Pilipinas” ang Malabon City dahil napapalibutan ito ng maraming ilog habang target naman ng SPM na makipagtulungan na maibalik ang ganda ng lugar sa pamamagitan ng Clean Up Drive initiatives gaya ng SPM.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter